![]() |
Tila isang dula ang buhay namin. Hayaan ninyo at ikukuwento ko sa inyo. Sa bawat araw na lumisan animo'y parang gulong, sala sa init, sala sa lamig. Minulat ko ang aking kaisipan, sa aking pagtatanong ay buhat pa noong maliit pa ako. Ang ina ko noong dalaga ay si Bb. Lucena Lagasca Natividad at ang ama ko noong binata ay G. Pedro martin Fernando. Talaga naman ang tadhana ang gumagawa ng paraan upang sila ay magkita. Hindi ko akalain na magkapit-bahay lang sila, isang metro lang ang layo sa isa't isa. Hindi nagtagal hindi na nila napigilan ang kanilang damdamin, sila'y nagpakasal sa edad na labing anim na anyos, napakabata at tila maaga pa para bumuo ng pamilya pero sa kabila ng lahat sila ay nagpatuloy kahit kahirapan pa ang kanilang kalaban. Sa awa ng diyos biniyayaan sila ng isang anak. Maliit pa lamang ang kanilang anak todo kayod na ang aking ama sa paghahanapbuhay upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Naryan ang ama kong nakikipagsaka, nakikipagtanim at nagpapahinante. Napakahirap ng buhay na kanilang nasaksihan at dinanas. Kahit na nagkaganoon, sa kabila parin ay may pag-asa na kanilang pinanghahawakan. Ngayon, heto parin ako, kasama ng aking mga mahal sa buhay lumalaban patungo sa tagumpay kahit na may mga taong humahadlang dito, hinding-hindi kami susuko dahil may pag-asa kaming natatanaw dahil nariyan ang Diyos upang kami ay gabayan at tulungan sa lahat ng oras........................................................................
Third year college na ako at malapit ko na ring makuha ang aking inaasam-asam na diploma para ako ay masabing nagtapos ng pag-aaral. Hanga ako sa aking sarili kahit minamaliit ng ibang tao ang aking napiling kurso ay narito ako, hindi ko sila pinapansin anuman ang sinasabi nila, basta't ang alam ko nasa tama ako at walang tintanapakang tao, may kasabihan nga na, "Learn to accept, personality differences"....Iyan si Dennis Natividad Fernando, nangangarap at mangangarap pa sa tagumpay para maiahon ko ang aking pamilya sa hirap ng buhay.....


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento